Manila, Philippines – Aminado ang Department of Finance (DOF) na papalo pa rin sa mataas na antas ang inflation rate sa third quarter ng 2018.
Sa inilunsad na The Presser ng PCOO, sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na batay sa kanilang pagtaya, posible pang pumalo sa 6.2 mula sa kasalukuyang 6.4 percent ngayong buwan ng Agosto.
Sinabi ni Lambino na may epekto kasi ang Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN law sa presyo ng mga bilihin at pangunahing serbisyo.
Gayunman, taliwas sa gustong palabasin sa mga reports, maliit lamang ang epektong ito.
Tiniyak ni Lambino na prayoridad pa rin ng gobyerno na mapaampat ang epekto ng TRAIN law sa pamamagitan ng ibat-ibang interbensyon.
Kabilang sa mga hakbangin ng DOF ay ang pagkakaloob ng unconditional cash transfer, pantawid pasada program at mga hakbangin para sa pagpapababa ng presyo ng bilihin.