AMINADO | DOLE, inamin wala pang trabaho na naghihintay sa mga OFW na nairepatriate mula sa Kuwait

Manila, Philippines – Aminado ang pamunuan ng Department Of Labor and Employment (DOLE) na wala pang trabaho na maibibigay ang ahensiya sa mga Overseas Filipino Workers o OFW’s mula sa Kuwait.

Ayon kay Labor Undersecretary Jacinto Jing Paras nakiusap na siya sa mga opisyal ng Poland at iba pang mga bansa na nangangailangan din sila ng mga Workers na ikukonsidera ang mga OFW mula sa Kuwait na mabibigyan ng trabaho sa kanilang bansa.

Paliwanag ni Paras gumagawa ng paraan ang gobyerno ng Pilipinas upang maibalik ang magandang samahan sa pagitan ng Kuwaiti Government at Philippine kung saan nasaktan lamang aniya ang sentimento ng Kuwait Government pero ginagawa naman nila ang pakikipag usap kung saan positibo ang gobyerno na maibabalik din ang dating magandang samahan ng dalawang bansa.


Giit ng opisyal nasaktan lamang ang pangulo noon dahil sa pagmaltrato ng mga OFW sa Kuwait lalo na ang pagkamatay kay Joana Demafelis kaya nagdeklara ang gobyerno ng ban ng deployment sa naturang bansa.

Facebook Comments