NBA | Houston Rockets,. isang panalo na lang ang kailangan para tapusin ang Utah Jazz

30

Utah – Tinambakan ng Houston Rockets ang Utah Jazz sa game 4, 100-87 para umangat sa 3-1 sa kanilang Western Conference semifinal showdown sa NBA.

Naging mainit ang laro sa pagitan ng Rockets at Jazz. Patunay dito ang mga technical fouls kina Clint Capella at Donovan Mitchell.

Pero nanaig ang Rockets sa pangunguna ni James Harden na may 24 points at 4 steals.

Kailangan na lamang ng Rockets ng isang panalo para pumasok sa Western Conference Finals kontra sa mananalo sa bakbakan ng Golden State Warriors at New Orleans Pelicans.

Lamang din ng 3-1 ang Warriors kontra sa Pelicans.

Facebook Comments