AMINADO | Iba pang rebeldeng sundalong nakinabang sa amnestiya ,hindi ligtas sa prosekusyon – ayon kay Justice Sec. Guevarra

Manila, Philippines – Aminado si Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi malayong matulad kay Senador Antonio Trillanes IV ang iba pang mga dating rebeldeng sundalo na nakinabang sa amnestiya ng gobyerno

Ayon kay Guevarra, ito ay kung mapapatunayan na hindi sumunod o kulang sa requirements na itinatakda para sa pagkakaloob ng amnestiya ang naturang mga rebeldeng sundalo.

Sinabi ni Guevarra na sa ngayon ay nakatutok sila sa kaso ni Trillanes.


Ito ay dahil si Trillanes aniya ang itinuturing na lider ng mga sundalong nagrebelde noon ng ilang beses laban sa gobyerno.

Facebook Comments