Ginang na Wanted sa Batas, Arestado sa Cauayan City Isabela!

Cauayan City, Isabela – Arestado kahapon ang isang ginang matapos na inisilbi ng mga otoridad ang mandamiento de arresto sa Lucas Subdivision, Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Ana Rose Rapis Santiago o mas kilala sa pangalang Tita Rose, tatlumpu’t apat na taong gulang, may asawa at residente ng Sipat Street, District 2, Cauayan City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 o Anti- Human Trafficking Act si Santiago na ipinalabas ni hukom Ariel Pance ng RTC branch 40 Cauayan City.


Makakalaya lamang ang akusado kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso (Php200,000.00).

Samantala dinala na sa PNP Cauayan City si Santiago para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments