Aminado si Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez na posibleng hindi na mabigyan ng bagong prangkisa ang inirereklamong Panay Electric Company (PECO).
Ayon kay Alvarez, maaari nilang pagbasehan dito ang 1,000% na taas sa monthly bill noong nakaraang Abril.
Aniya, sa dami pa ng reklamo sa PECO na tanging distributor ng kuryente sa Iloilo City ay makukumbinsi silang huwag na nga itong bigyan ng bagong prangkisa.
Samantala, ang ERC naman ay nagpadala ng isang special team sa Iloilo City para ayusin ang mga monthly bills na sobrang taas ng singil pero nasa 80% lamang ang naayos dito.
Inamin din ng PECO sa pagdinig sa ERC noong Abril na may mga naganap talagang aberya sa kanilang pagmemeter sa kuryenteng ginagamit ng mga customers.
Maliban pa dito, hindi rin sumunod ang PECO sa city ordinance na pagkakaroon ng electricity consumption monitoring card para sa mga electric consumers.