AMINADO | Malacañang, nabahala sa naganap na stand off sa house leadership

112

Manila, Philippines – Amindado ang Palasyo ng Malacañang na nabahala sila sa naganap na stand off sa pagpapalit ng liderato ng Kamara kahapon kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, si Executive Secretary Salvador Medialdea mismo ang pumagitna kina dating House Speaker Pantaleon Alvarez at bagong Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Sa Pamamagitan aniya ni Medialdea ay nakiusap si Pangulong Duterte kina Alvarez at Arroyo na Status Quo muna upang matuloy ang SONA kahapon at pag natapos na ito ay saka na lamang ayusin ang Gusot sa leadership ng mababang kapulungan ng Konreso.

Binigyang diin ni Roque na hindi maaaring mabalam ang SONA dahil ito ay isang Constitutional Mandate ng Punong Ehekutibo.

Facebook Comments