Manila, Philippines – Aminado ang isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na malaking populasyon ng mga Katoliko ang hindi na naaabot ng Simbahan lalo na sa slum area sa Metro Manila.
Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, ito ang dahilan ng kaniyang pagtatayo ng mga ‘Mission Station’ sa Diyosesis upang mailapit ang Panginoon sa mga katoliko.
Paliwanag ng obispo, maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang lugar kasama ang mga Religious partner at mga Layko upang maiparamdam sa mananamapalataya ang kalinga ng simbahan.
Iginiit ng obispo na mahalagang ang simbahan ang lumapit sa mga dukha nang walang mga mananampalataya na maiwan o naisasantabi hindi lang sa pangangailangang espiritwal kundi sa iba pang pangangailangan sa araw-araw.