AMINADO | Maraming mga Pilipinong Inventor, nangingibang bansa – ayon sa DOST

Aminado si DOST Secretary Fortunato Dela Pena na maraming mga Pilipinong Invotors sa bansa ang nangingibang bansa na at doon ipagpinagpatuloy ang kanilang mga invention para silay makilala sa buong mundo.

Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Manila sinabi ni Secretary Dela Pena na ginagawa na nila ng paraan upang bumalik sa bansa ang mga Pinoy Inventors dahil mayroon aniya ilan sa kanila ang nagpahayag ng bumalik sa Pilipinas.

Paliwanag ng kalihim sasagutin ng ahensiya


ang mga Visa ng mga Pinoy Inventors sa ibang bansa upang makabalik sila sa bansa at pakinabangan ang kanilang mga Inventions

Giit ni Dela Pena magagaling ang mga Pinoy Inventors na napakikinabangan ng bansa ang kanilang mga Inventions kaya pinahahalagahan at sinusuportahan nila ang mga gawang Pinoy upang makilala sa buong mundo ang galing ng mga Pilipino pagdating sa larangan ng Invention.

Facebook Comments