Aminado ang pamunuan ng Philippine National Police na muli silang nalusutan ng ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF matapos ang muling pagsabog kagabi na Isulan Sultan Kudarat kung saan dalawa ang nasawi.
Ito ay kahit na mas mahigpit pa ang seguridad na ipinatutupad sa lugar dahil sa umiiral na Martial Law.
Paliwanag ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana lahat ng lugar sa Mindanao ay mayroong banta ng terorismo.
Gayunpaman sinibak pa rin ng pamunuan ng PNP ang Provincial Director ng Sultan Kudarat na si Sr Supt Noel Kinazo na pinalitan ito ni Sr Supt Reynaldo Felestino.
At sinibak rin ang Chief of Police ng Isulan na si Police Senior Supt Celestino Daniel na pinalitan ni Police Supt. Junny Buenacosa.
Kasabay ng pagsabog, naniniwala rin ang PNP na posibleng may kasunod pa ito na maaring mangyari sa ilang lugar sa bansa kabilang na ang Metro Manila.
Pero tiniyak ni Durana na kontrolado ng PNP sitwasyon sa buong bansa kasabay ng mas mahigpit na seguridad na ipinatutupad.