AMLC, itinangging nagbigay ng impormasyon sa umano’y bank accounts ni P-Duterte

Manila, Philippines – Itinanggi ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nagbigay sila ng kahit anong impormasyon sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ng AMLC, hindi rin sa kanila nagmula ang mga dokumento at impormasyon na kasama sa inihaing reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon sa AMLC secretariat, nito lang September 6, 2017 nila natanggap ang liham ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang na may petsang August 17, 2017 na humihiling na imbestigahan ang mga nasabing bank accounts.


Anila kasalukuyang sumasailalim sa evaluation ang nasabing request.

Ang pag-imbestiga at ang paglabas ng ulat patungkol dito ay nakadepende sa resulta ng evaluation.

Facebook Comments