Pamilya ng hazing victim na si Atio, dismayado sa paglaya ni John Paul Solano

Manila, Philippines – Dismayado ang pamilya ng hazing victim na si Horacio Castillo III ang pagpapalaya sa suspek na si John Paul Solano.

Ayon sa ina ni Atio na si Carminia, nakatakda silang makipag pulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Miyerkules, October 4.

Aniya, personal silang hihingi ng tulong sa pangulo para makamit nila ang hustisya at mapanagot ang lahat ng sangkot sa pagkamatay ni Atio.


Giit pa ni Carminia, masama ng loob nila kay University of Santo Tomas Civil Law Dean Nilo dahil hindi agad nasabi sa kanila ang sinapit ng kaniyang anak.

Facebook Comments