Manila, Philippines – Sinimulan na ng anti money laundering council o AMLC ang pag-aaral sa 12 waiver sa bank secrecy law na isinumite ni senator antonio trillanes iv.
Ito ang nakasaad sa isang pahinang liham na ipinadala ng amlc sa senador.
Ayon sa liham, ang waiver ni trillanes ay nagbibigay pahintulot sa amlc at ombudsman na busisiin ang kasalukuyan at mga naisara ng mga bank accounts ni trillanes dito sa pilipinas at sa ibang bansa.
Ang nabanggit na mga waiver ay nilagdaan ni senator trillanes para patunayan na walang katotohanan ang alegasyon ni pangulong rodrigo duterte na mayroon siyang mga bank accounts sa abroad.
Facebook Comments