Ammendments sa Motorcycle Crime Prevention Act, planong isulong ng isang senador

Plano ni Senator JV Ejercito na maghain ng panukalang mag-aamyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act upang maibaba ang multa laban sa mga motorcycle riders na lalabag dito.

Ang hakbang ni Ejercito ay tugon sa pag-aalala ng mga may-ari ng motorsiklo sa P50,000 hanggang P100,000 na multang ipapataw sa hindi maglalagay ng “readable plate number.”

Kumbinsido si Ejercito na masyadong mataas ang multa na halos ka-presyo na ng motorsiklo.


Nauunawaan din ni Ejecito na karamihan sa mga motorcycle riders ay mga ordinaryong empleyado lamang kaya masyadong mabigat sa kanila ang nabanggit na halaga.

Facebook Comments