Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isang executive order at ilang proclamations na nagbibigay ng amnestiya o pardon sa mga rebelde para mahikayat na magbalik-loob sa pamahalaan.
Ang EO No. 47 ay pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong November 22, 2023, at inamyendahan bilang Executive Order No. 125, series of 2021, o ang pagbubuo ng National Amnesty Commission (NAC).
Batay sa inilabas na kautusan, sinabi ng pangulo na wala nang pangangailangang baguhin o i-update sa functions ng National Amnesty Commission para masakop ang bagong proseso sa pag-a-apply para sa amnestiya batay na rin sa bagong proclamations.
Ang commission ay binuo sa ilalim ng EO No. 125 kung saan ipagpapatuloy nito ang functions at idi- dissolve kapag nakumpleto na ang kanilang mandato o depende sa desisyon ng pangulo.
Batay naman sa Proclamation No. 403, inaprubahan ng pangulo ang amnestiya para sa mga miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas.
Sila ay nakapag-commit ng krimen na may parusang kakaharapin sa ilalim Revised Penal Code and Special Penal Laws.
Hindi naman sakop ng proclamation ang mga rebeldeng nakagawa ng kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism, crimes committed against chastity.
Maging crimes committed for personal ends, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, paglabag sa Geneva Convention of 1949, at genocide, crimes against humanity, war crimes, torture, enforced disappearances, at iba pang paglabag sa karapatang pantao.
Nag-isyu rin ang pangulo ng Proclamation No. 404 na nagbibigay ng pardon o amnesty sa mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na nakagawa ng krimen na ang parusa ay batay sa Revised Penal Code and Special Penal laws.
Pero hindi sakop sa pardon ang mga nahaharap sa kasong rebellion or insurrection; conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection; disloyalty of public officers or employees at iba pang mabibigat ng krimen.
Inaprubahan din ng pangulo ang Proclamation Nos. 405 and 406, na nagbibigay rin ng amnestiya sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) and Moro National Liberation Front (MNLF), na nahaharap sa kasong Revised Penal Code and Special Penal Laws to Advance to Political their Beliefs.