Pinsala sa agrikultura ng shear line tututukan ng DA

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na nakatutok ang ahensiya para i-monitor ang epektong dulot ng shear line sa sektor ng Agrikultura sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon sa DA, regular silang nagbibigay ng update para maabisuhan ang mga Regional Office lalo na ang mga posibleng makaranas ng mga malalakas na pag-ulan at pagbaha.

Kabilang sa mino-monitor ng DA ang sitwasyon ng mga pananim sa Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Northern Samar.


Bukod pa rito siniguro rin ng DA na tuloy-tuloy ang kanilang paghahanda para tulungan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda ng naturang sakuna.

Facebook Comments