Nanawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang human rights organisation na Amnesty International na magkaroon ito ng malinaw na polisiya sa war on drugs.
Ayon kay Amnesty International Philippines Director Butch Olano, nagpatuloy pa rin kasi noong nakalipas na taon ang mga kaso ng pagpatay na may kinalaman sa war on drugs.
Sa datos aniya ng DAHAS project ng University of the Philippines, umabot sa 329 ang pinatay noong 2023.
Lumabas din aniya sa datos na mula June 2022 hanggang June 2023, 15% ng mga insidente mg pagpatay ay nangyari sa Davao City.
Nanawagan din si Olano kay Pangulong Marcos na makipag-tulungan sa International Criminal Court (ICC) na nagsasagawa ng imbestigasyon sa war on drugs ni dating Pangulong Duterte at hayaan ang mga imbestigador na makapasok sa bansa.