Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction, gumanti sa militar matapos masawi ang pinaka mataas nilang lider

Infographic courtesy of 6ID

Pagkatapos maka-engkwentro ng tropa ng pamahalaan ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan faction noong Lunes na nagresulta sa pagkakasawi ng kanilang mataas na lider na si Mohiden Animbang alias Karialan, agad namang gumanti ang mga rebelde kinagabihan.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Dennis Almorato ang tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.

Ani Almorato, hinaras ng mga rebelde ang isa nilang detachment sa Datu Hoffer Maguindanao del Sur.


Aniya, 30 segundong nagpaputok ang mga kalaban sa detachment ng mga sundalo pero walang casualty sa panig ng pamahalaan.

Matatandaang maliban sa pagkakapatay sa lider ng BIFF Karialan faction patay rin ang 11 nitong mga tauhan kung saan narekober sa encounter site ang iba’t ibang matataas na kalibre ng baril.

Facebook Comments