MANILA, PHILIPPINES – Iginiit ngayon ng Amnesty International na malalim ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa inilabas na report sa talamak na human rights violations sa bansa.
Kasunod na rin ito ng pagbatikos ng Malacañang at senado sa taunang report ng international human rights group kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay special mention ang Pilipinas sa isyu ng Extra Judicial Killings at war on drugs ng Duterte Administration.
Ayon kay Wilnor Papa – campaign manager ng Amnesty International sa Pilipinas – binigyan diin nito na galing ang karamihan sa mga nakalap nitong dokumento ay mga public records na may matibay na batayan.
Paliwanag ng opisyal – ang report ay hindi para punahin ang ginagawa ng gobyerno kundi isang panawagan upang imbestigahan nito ang mga nagaganap na patayan sa bansa.
Bukod sa Pilipinas, nabanggit din sa report ng amnesty international ang Amerika, Hungary at Turkey na talamak ang human rights violations.