Coast Guard ng Pilipinas at China, nagkasundo na mas pagtibayin ang pagkakaisa

21

MANILA, PHILIPPINES – Nagkasundo ang mga coast guard ng Pilipinas at China na mas pagtibayin pa ang kanilang pagkakaisa.

 

Sa ginanap na pagpupulong ng mga opisyal ng coast guard sa Subic, tinalakay ang kahalagahan ng diplomasya sa relasyon ng Pilipinas at China.

 

Bumuo rin ng mga kasunduan para sa dalawang maritime law enforcement agencies.

 

Pinagtibay ang paglaban sa drug trafficking at iba pang trans-national crime.

 

Magkakaroon din ng kooperasyon sa mga search and rescue, environment protection at emergency response.


 

 

Facebook Comments