Manila, Philippines – Hihingi ng tulong sa Korte Suprema si Senator Antonio Trillanes IV upang maharang ang implementation ng pagdakip sa senador.
Ayon kay Senador Trillanes na inihahanda na ng kanyang mga abogado ang ihahaing petisyon anumang oras ngayon.
Paliwanag ng senador hihingi aniya siya ng Temporary Restraining Order o TRO sa Supreme Court (SC) upang mapigil ang nakatakdang pag-aresto ng CIDG sa oras na lumabas na ang warrant of arrest.
Naniniwala si Trillanes na dumaan sa legal na proseso ang ginawang niyang pag-apply ng kanyang amnesty dahil sinaksihan mismo ito ng media.
Nanindigan ang kampo ni Trillanes na wala ng masisilip na anumang kaso laban sa kanya dahil lahat ng kaso na kaakibat sa nasabing insidente ay binura na ng amnesty na ipinagkaloob sa senador ni dating Pangulong Noynoy Aquino.