AMNESTY | Legal team ni Trillanes, buo na

Manila, Philippines – Nabuo na ni Senator Antonio Trillanes IV ang kanyang legal na hahawak sa lahat ng kaso sa regional trial courts at mga petisyon sa Supreme Court (SC) kaugnay sa kanyang amnestiya na pinawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinabibilangan ito nina dating University of the Philippines College of Law Dean Pacifico Agabin, dating Solicitor General Florin Hilbay, Law Professor Joselito Chan at ang kanyang chief legal counsel na si Atty. Reynaldo Robles.

Ayon kay Trillanes, boluntaryo ang pagtulong sa kanyang ng nabanggit na mga personalidad matapos ilabas ni Pangulong Duterte ang Proclamation Order No. 572 na nagpapawalang-bisa sa amnesty na ipinagkaloob sa kanya ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2011.


Kasabay nito ay inihayag din ni Trillanes ang kanyang tiwala sa mga kinauukulang korte, para itama ang maling hakbang ng ehekutibo.

Umaasa si Trillanes na maninindigan ang hudikatura sa panig ng mga umiiral na batas para labanan ang baluktot na gawain ng administrasyon na naglalayong patahimikin ang mga kritiko nito.

Facebook Comments