Hinikayat ng pamunuan ng Pasig Traffic and Parking Management Office ang mga motoristang nahuhuli sa mga traffic violation na tubusin ang kanilang mga lisensiya dahil mayruong ipinatutupad na Amnesty program ang ahensiya.
Ayon kay Traffic and Parking Management Office OIC Bryant Wong dapat tubusin kaagad ng mga nahuling motorista ang kanilang mga lisensiya bago mag April 3 ang huling araw ng naturang Amnestiya upang hindi na nila babayaran ang penelty na umaabot ng libu libo.
Inihalimbawa ni Wong ang isang motorista na nahuli sa isang paglabag sa trapiko noong 2013 pa sa halagang 500 piso ang penalty lamang sana at nang tutubusin na nito ay umaabot na sa Php 36,000.00.
Paliwanag ng opisyal mahigit 600 mga motorsiklo at 10 mga sasakyan ang naimpound sa Pasig Traffic and Parking Management Office kung saan mayruon pa silang natuklasan na may pekeng lisensiya at mayruon din na isang tao ay 120 beses ng nahuhuli sa loob ng isang araw.