Manila, Philippines – Umaapela si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Kataas-Taasang Hukuman na ituwid ang mga pangyayari ngayon kaugnay sa pagpapawalang bisa sa amnesty ni Senator Antonio Trillanes IV.
Diin ni Drilon, alam ng buong legal profession na hindi tama ang nangyayari ngayon kay Senator Trillanes kung saan binabawi ang amnesty nito at binubuhay ang kanyang mga kasong rebelyon at kudeta na ilang taon ng ibinasura.
Tiwala si Drilon na pag-aaralan itong mabuti ng Supreme Court (SC) para sa pagtahak sa tamang landas.
Giit pa ni Drilon, napakahalaga ng magiging pasya ng Supreme Court (SC) dahil hindi lang si Senator Trillanes ang maaapektuhan nito kundi lahat ng nabigyan ng amnesty tulad ni AFP Chief General Carlito Galvez.
Facebook Comments