AMNESTY | Sen. Trillanes, ipinakita ang mga dokumentong kanyang pinirmahan

37

Manila, Philippines – Nanindigan si Senador Antonio Trillanes IV na bogus ang ipinakita ng pamahalaan kaugnay sa kanyang mga record na hindi umano siya umamin at hindi nag-apply ng amnesty.

Ayon kay Trillanes nakalagay na sa aplikasyon para sa amnesty sa ilalim ng Proclamation 75 na may petsang November 24, 2010 na kanyang pinirmahan kaya at wala aniyang katotohanan ang lahat ng mga ibinibintang sa kanya.

Paliwanag ng senador na inililihis lamang ng pamahalaan ang tunay na nangyari dahil natatakot umano si SolGen Jose Calida sa ginawang pag-iimbestiga ng kanyang komite hinggil sa kanyang kaanak na sangkot sa umano anomalya.

Giit ni Trillanes na bubuweltahan niya si Pangulong Duterte at idadaan ng senador sa legal na pamamaraan ang lahat ng kanyang gagawing hakbang upang lumabas ang buong katotohanan sa likod ng naturang kontrobersiya.

Facebook Comments