SENATE of the Philippines at Madrid, Spain, PINARANGALAN ANG YOUNG’S TOWN Dahil sa De-Kalidad na mga Produkto

149

Binigyan ng pagkilala ng Senate of the Philippines ang Young’s Town kasunod ng pagtamo nito ng International Food and Beverage Quality Award sa Madrid, Spain.
Buong puso na nagpasalamat ang Young’s Town at lahat ng kawani nito sa karangalang natanggap ng kumpanya sa magkakasunod na mga taon.
Ayon sa isang post ni Merlita Kabingue Bayobo Mangahas: “Sa mga kagalang galang at buong pamunuan ng Senado, maraming salamat po sa pagkilala sa mga natanggap na karangalan ng Young’s Town . Sa patuloy pong mga tumatangkilik ng Young’s Town , kami po ay buong puso na nagpapasalamat. Kayo po ang inspirasyon ng kumpanya upang magpatuloy ang ating ipinagkamalaking Young’s Town brand. Ang Young’s Town ay patuloy na gumagawa ng ng de kalidad na mga produkto para sa mamamayang Pilipino. Nakikilala na rin po ang brand na ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo muli. Mula po sa Young’s Town, maraming salamat po.”
Una ng kinilala sa magkasunod na taon ang Young’s Town sa Madrid, Spain.
“Salamat sa Pagkilala na nilaan ng Senado para sa “Young’s Town www.facebook.com/youngs.town.568?fref=mentions&__xts__%5B0%5D=68.ARDWrKA2ZFDyAUxJ0_p4BNi-yFvvhubZLdePTOqwD1uKLahhV0ug-aapkyZOJaQmjcvgJwljvwHn8p4OkiSscetqi8RFB4IBTAnEGQW14PXbP3tNXYdAzN7ItiLq5RGWTOfR…> Sardines” na produkto ng Maunlad Canning Corporation, na binigyang parangal ng Madrid Spain sa nakaraang dalawang taon bilang “International Food and Bevarage Quality Award in Madrid,Spain” dahilan upang makilala ang gawang Pilipino sa buong mundo…Lubos din nagpapasalamat ang pamunuan ng Maunlad Canning Corporation sa pag-anyaya ng ating butihing Senator Nancy Binay sa Senado upang bigyang pagkilala ang natanggap naming parangal mula sa Madrid,Spain karangalan hindi lamang para sa amin kundi para sa lahat ng Filipino at sa bayan.” – dagdag pang post na ating matutunghayan sa fb account ng Young’s Town.
Makikita sa larawan si Mrs. Isabel Ngo at mga staff ng Young’s Town habang tinatanggap ang pagkilala ng Senado sa pamamagitan nina Senate President Tito Sotto at Senator Nancy Binay na sinaksihan din nina Senators Manny Pacquiao, Joel villanueva, Miguel Zubiri at Joseph Victor JV Ejercito.
Ang Young’s Town ay local partner and long time advertising client din ng RMN Naga – DWNX sa bahaging ito ng kabikolan.













Facebook Comments