AMNESTY | Trillanes – kukwestiyunin ang Korte Suprema

Manila, Philippines – Ku-kuwestiyunin ni Senator Antonio Trillanes IV sa Korte Suprema ang legalidad ng Presidential Proclamation 572 na nagpapawalang-bisa sa amnesty na ipinagkaloob sa kanya noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Trillanes – sa pamamagitan ng kanyang abogado, bukas ng umaga ay hihingi siya ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Supreme Court para pigilan ang aniya ay walang legal na basehang pagpapaaresto sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, kinuwestiyon din ng Senador kung bakit siya isasailalim sa court martial gayong february 2007 pa nang kumalas siya sa Armed Forces of the Philippine (AFP).


Patunay aniya rito ang ipinakita niyang kopya ng clearance mula sa AFP kung saan nakasaad na huli siyang sumahod bilang sundalo noon ding panahon ‘yon.
Kasabay nito, nanawagan si Trillanes sa mga sundalo at pulis na nagagamit ngayon sa political persecution na ginagawa ni Pangulong Duterte.

Alam daw niya na alam ng mga ito ang tama at mali, ang legal at iligal.

Hinamon naman ng Senador si Pangulong Duterte na magpakalalaki.

Sa huli, sinabi ni Trillanes na hindi siya lalabas sa Senado, hindi dahil sa nagtatago siya kundi dahil ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang mga pulis na arestuhin siya nang walang arrest warrant.

Facebook Comments