PWEDE NA | Paniningil ng P2-per-minute charge ng mga TNVS, pinayagan na ng LTFRB

32

Manila, Philippines – Pinayagan na ng LTFRB ang lahat ng mga Transport Network Company (TNC) na maningil ng P2-per-minute charge.

Kasunod ito ng inilabas na memorandum circular no. 2018 – 019 ng LTFRB.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III – base sa kanilang pag-aaral, kailangang i-rationalize at i-adjust ang fare structure ng mga Transport Network Services para mapanatiling buhay ang kanilang pagseserbisyo.

Kasabay nito, inatasan ng LTFRB ang mga TNVS na i-breakdown ang kanilang pamasahe sa e-receipts.

Dito makikita kung magkano ang base fare per kilometer rate, time rate at surge gayundin ang mga diskwento sa mga PWD, estudyante, senior citizen at mga promo rate.

Epektibong ipatutupad ang P2-per-minute charge, labing-limang araw matapos mai-publish ang notice sa publiko.

Samantala, kahit pinayagan nang maningil ng p2-per-minute fare, i-aapela pa rin umano ng Grab Philippines sa Department of Transportation ang 10-milyong pisong multa na ipinataw sa kanila ng LTFRB kaugnay ng umano ay overcharging.

Facebook Comments