AMNESTY | Trillanes, na-comply ang lahat ng requirements sa kanyang amnesty – Azcueta

Manila, Philippines – Dumaan sa tamang proseso at nakapag-comply ng mga requirements si Senator Antonio Trillanes IV kaya nabigyan ito ng amnesty noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang inihayag ni dating Department of National Defense Undersecretary na dating chairman ng AdHoc Committee na si Honorio Azcueta.

Aniya ginawa lamang niya ang kanyang trabahong i-supervise ang pagpoproseso ng mga requirements para sa mga nabigyan noon ng amnesty ni dating Pangulong Aquino kabilang na si Senator Trillanes.


Ginawa nya raw ito nang naayon sa nakasaad sa Presidential Proclamation number 75.

Ibig sabihin aniya nito na-comply ni Senator Trillanes ang lahat ng requirements kaya sigurado siyang naaaprobahan ang amnesty ng senador.

Matatandaang binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty ni Trillanes para sa kaso nitong rebelyon kaugnay sa Oakwood Mutiny at Manila Peninsula siege.

At ang sinasabing dahilan hindi na-comply ng senador ang lahat ng requirement partikular na ang admission of guilt at nawawala ang application paper nito para sa amnesty.

Facebook Comments