Among inaatake sa puso, sinagip ng 2 aso

1183
File photo

Bukod sa pagiging man’s bestfriend, puwede din sila maging superhero.

Pinatunayan ito ng dalawang aso sa bayan ng San Ilocos, probinsiya ng Ilocos Norte matapos sagipin ang buhay ng kanilang matandang amo na biglang inatake sa puso.


Mag-isa lamang sa kaniyang tirahan ang 67-anyos na si Pio Abrenica nang biglang atakihin sa puso noong Huwebes ng umaga.

Salaysay ni Loida Cristobal, nagtaka siya kung paano nakalabas ng bahay ang alagang si Rio na nakatali sa puno ng bayabas noong mga oras na ‘yun.

Aniya, iniikot-ikutan siya ni Rio upang magpahiwatig na humihingi siya ng saklolo.

Nang makarating si Cristobal sa bahay ng kamag-anak, nadiskubre niyang nakahandusay sa sahig si Abrenica.

Kaagad tinakbo sa pagamutan ang matandang lalaki na kasalukuyang nagpapagaling.

Teorya ng mga kapitbahay ni lolo, nasaksihan mismo ng dalawang alagang aso ang nangyari kay Abrenica.

Dagdag nila, maaring tinulungan ng isang aso na makawala ang nakataling labrador bago tumalon sa bakod para makahingi ng tulong.

Ang mga itinuturing na anak ni Mang Pio, isang taon na pala niyang kasama sa bahay.

Facebook Comments

From Advertisers