Scarlet Snow, isa ng PH Tourism Ambassador

499

Isa ng official tourism ambassador ng bansa ang anak nina Vicky Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo nito lamang Martes.

Sa instagram post, ibinahagi ni Scarlet ang litrato nya kasama ang Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat kung saan nakipag-deal ang tinaguriang ‘social media darling’ sa secretary.


Nakalagay sa post ni Scarlet, “Ok Tita Berna, let’s get to work and invite ALL the peoples of the world to our Philippines (but only as visitors, ok!),”

Sa kabilang banda, ibinahagi rin ng tourism secretary sa kanyang IG post ang video nila ni Scarlet kung saan makikitang nagkamay pa ang dalawa habang sinasabi ang “It’s more fun in the Philippines” na slogan.

Samantala, sinabi ni Romulo-Puyat na si Sacrlet Snow ang “youngest and cutest advocate of Philippine tourism.” dahil sa edad nitong 4-na taong gulang.

Facebook Comments

From Advertisers