Amyenda sa 1997 Rules of Civil Procedures at Revised Rules of Evidence, pormal nang inilunsad ng Supreme Court

Tiniyak ng Korte Suprema na magiging mabilis na ang pagdinig ng mga kaso sa korte matapos ang pag-amyenda sa 1997 Rules of Civil Procedures.

Kanina, pormal na inilunsad ng Supreme Court (SC) ang naging resulta ng pag-amyenda sa 1997 Rules of Procedure at Revised Rules on Evidence.

Bagamat 2010 pa sinimulan ang revision sa mga procedures sa pagdinig sa kaso, 2019 na nang maaprubahan ito dahil na rin sa pagbabago ng teknolohiya.


Nagkaroon pa ng video presentation ang SC kung saan ipinaliwanag nito na sa bagong Rules of Civil Procedures at Revised Rules on Evidence, magiging mas mabilis na ang proseso ng pagsasampa at pagdinig ng mga kaso.

Sa bagong Rules of Civil Procedures, obligado na ang mga complainant na isama agad sa kanilang reklamo ang mga ebidensiya o judicial affidavits sa trial proper.

Kung dati ay nagkakaroon pa ng preliminary conference, sa ilalim nito, diretso na agad sa pre-trial ang kaso kung saan papangalanan na rin ang mga testigo at agad na itatakda ang petsa ng kanilang presentation.

Sa bagong panuntunan, maari nang makapagbaba agad ng desisyon ang husgado sa pre-trial pa lamang kung makakakita ito ng sapat na basehan.

Kasama rin sa bagong panuntunan na maari nang ipadala ang anomang pleadings o mosyon sa pamamagitan ng electronic means o email, registered mail at ng mga accredited na courier ng korte.

Ayon kay Chief Justice Diosdado Peralta, magiging kapaki-pakinabang ito hindi lamang sa nagrereklamo kundi pati sa mga inirereklamo gayundin sa mga court personnel.

Facebook Comments