Anabelle Rama, todo depensa para sa kanyang anak na si Richard Gutierrez makaraang makasuhan ito ng tax evasion case

Manila, Philippines – Todo depensa ngayon ang talent manager na si Annabelle Rama sa kaniyang anak na si Richard Gutierrez matapos sampahan ng kasong tax evasion ng Bureau Of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Annabelle, panghaharas ang ginawa ng BIR kung saan hintayin daw ng mga ito ang patunayan ni Richard na maayos itong nagbabayad ng buwis.

Katunayan aniya ay regular silang nakakatanggap ng BIR notice sa kanilang bahay.


Giit din ng abogado ni Richard na si Marie Glen Abraham-Garduque, saka na lamang daw magbibigay ng pahayag ang aktor kapag natanggap na nila ang sulat hinggil sa nasabing reklamo ng BIR.

Una rito, aabot sa P38.57 million ang bayarin sa buwis ni Richard kasama na ang multa at iba pang charges.

Ito ay base sa record ng BIR sa kaniyang income tax return noong taong 2012.

 

Facebook Comments