Globalport Batangpier, hindi na pinaporma ng TNT Katropa

Manila, Philippines – Hindi pinaporma ng TNT Katropa ang Globalport Batangpier sa naging laban nila kagabi sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup.

Nanalo ang TNT sa score na 109-88 kung saan nanguna sa kopunan ang kanilang import na si Donte Greene, na mayroong 33-points at 10-rebounds.

Dahil sa panalo ay mayroon ng limang panalo at isang talo ang TNT habang ang Globalport ay mayroon lamang isang panalo at limang talo.


Samantala, tinalo naman ng Phoenix Fuelmasters ang Alaska Aces sa score na 94-86.

Pinangunahan ng import ng Phoenix na si Jameel Mckay ang kaniyang team na may 42-points at 22-rebounds.
Nation

Facebook Comments