Anak-Mindanao Party List Congresswoman Sitti Djalia Turabin-Hataman, nagbitiw na sa Kamara

Manila, Philippines – Nagresign na bilang kinatawan ng Anak-Mindanao Party list si Congresswoman Sitti Djalia Turabin-Hataman.

Sa privilege speech ni Turabin-Hataman, pinasalamatan nito ang liderato ng Kamara at ang mga kasamahang mambabatas.

Planong bumalik ng lady solon sa kanyang pribadong buhay bagamat aminadong nahirapan siyang pagdesisyunan ito noong una.


Sa kanyang pag-alis sa Kamara ay inihabilin ni Hataman sa mga kongresista na pagtibayin ang Bangsamoro Basic Law para tuluyang tumahimik at umunlad ang buong Mindanao.

Papalit kay Hataman bilang kinatawan ng Anak Mindanao Partylist si Amihilda Sangcopan.

Si Hataman na asawa ni ARMM Governor Mujiv Hataman ay nasa ikalawang termino na sa Mababang Kapulungan.

Facebook Comments