Sumangguni ang isang 51 anyos na nanay sa Burgos Police Station upang ipaalam ang umano’y pagkawala ng lalaki nitong anak.
Ayon sa kanya, umalis ang anak nito sakay ng kanyang motorsiklo at umano’y patungong Dasol bagamat bigong makabalik.
Nasa 5’7 ang tangkad nito, kayumanggi at huling nakitang nakasuot ng gray t shirt at brown na pantalon.
Ipinaalam na sa iba pang himpilan ang insidente upang matukoy ang posibleng kinaroroonan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









