2025 FINANCIAL AID NG 576 BARANGAYS SA LA UNION, IBINABA SA P2K

Ibinaba sa P2, 000 ang matatanggap na financial aid ng bawat barangay sa La Union base sa nilagdaang Annual Budget ng lalawigan ngayong taon.

Sa opisyal na pahayag ni La Union Governor Raphael Ortega-David, kabilang sa mga sektor na nalagasan ng pondo ang programang financial aid sa 576 barangays nang walang paliwanag ang Sangguniang Panlalawigan.

Mula sa taonang P20, 000 financial assistance sa bawat barangay, ibinaba ito sa P2, 000 ngayong taon.

Inihayag din ng opisyal na maaaring mabawasan ang performance o bilang ng mga matutulungang residente dahil sa malaking adjustment sa annual budget.

Bagaman hindi pa natatapos na mabigyanng P20, 000 na financial aid ang lahat ng barangay para sa taong 2024, palaisipan pa kung kailan ulit maibibigay ang P2, 000 aid ngayong 2025.

Apela naman ng ehekutibo ang justification sa malawakang pagbabawas ng budget kahit pirmado na ito ng gobernador upang maging transparent sa alokasyon ng pondo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments