Anak na Nagpapakain ng Alagang Poultry Animals, Binaril ng Sariling Ama

Cauayan City, Isabela- Nauwi sa pamamaril ang nadobleng pagpapakain sa mga alagang hayop ng mismong anak ng suspek noong July 3, 2021 sa Tuao, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si alyas ‘Dante’, 25-anyos, binata habang ang suspek na mismong ama ng biktima ay nakilalang si alyas ‘Ando’, 62-anyos na kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Tuao Police Station, binalaan at pinagalitan umano ng suspek ang kanyang anak matapos maaktuhan nito na pinapakain ng biktima ang kanilang mga alagang poultry animals dahil una nang napakain ng suspek ang mga ito.


Dahil dito, nagsimula ng magalit ang suspek at pagsimulan ng kanilang pagtatalo kung kaya’t kaagad na kumuha ng homemade firearm ang suspek at binaril ang biktima dahilan para tamaan ito sa leeg.

Kaagad namang isinugod sa pagamautan ang biktima dahil sa tinamong sugat habang tumakas ang suspek.

Sa follow-up operation, naaresto ang suspek matapos ang isinagawang hot pursuit operation ng mga barangay officials at narekober ang caliber 45 pistol na ginamit sa pamamaril sa kanyang sariling anak.

Nahaharap ang suspek sa kasong Frustrated Parricide in relation to RA 10591 habang nasa kustodiya ito ng pulisya.

Facebook Comments