Nasawing sundalo sa pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu, umabot na sa 49

Dalawang sundalo pa ang nadagdag sa mga nasawi matapos na bumagsak ang kanilang sinasakyang C-130 plane sa Patikul, Sulu kahapon.

Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kaya aniya umabot na sa kabuuang 52 ang mga nasawi sa nangyaring trahedya.

49 sa mga nasawi ay sundalo habang tatlo ay mga sibilyan.


47 naman ang injured o sugatang sundalo habang apat sa mga sibilyan.

Una nang sinabi ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo na 96 ang sakay nang bumagsak na C-130 plane sa Sulu kabilang dito ang piloto at mga aircrew.

Facebook Comments