Anak ng banana cake vendor na nag-viral, pumanaw na

Facebook/ Jabee Detablan

Ibinahagi ni Jabee Imano Detablan, asawa ng nag-viral na banana cake vendor, na pumanaw na ang kanilang anak nitong Lunes.

Ilang linggo matapos ang operasyon, namatay na ang isang taong gulang na anak ni Detablan na may Billary Atresia o liver disease na makukuha lamang ng mga sanggol.

Ayon kay Detablan, natapos ang liver transplant ng anak nitong Hunyo 27 sa Apollo Hospital sa India.


Sa Facebook post ni Jabee, kinumpirma nito ang kamatayan ng anak.

“Sobra-sobra po kasi ang sakit na aking nararamdaman sa biglaang pag-iwan ni Aki samin,” pahayag ni Jabee.

Matatandaan na nag-viral noon ang larawan ni Antonio, ama ni Aquiro, na nagtitinda ng banana cake para sa operasyon ng anak na umantig sa puso ng mga netizen.

Bumuhos ang tulong ng netizens matapos mag-viral ang post at naooperahan si Aquiro.

Sinabi naman ni Jabee na ibabalik ang mga labi ni Aquiro sa Bicol at nagpasalamat sa lahat ng nagbigay ng donasyon para mapagamot ito.

 

Facebook Comments