Anak ng Dating Kapitan ng Brgy. San Juan sa Ilagan City, Patay sa Aksidente

*Cauayan City, Isabela*- Hindi na umabot pa ng buhay ang anak ng dating kapitan matapos itong bumangga sa minamanehong elf truck sa pambansang lansangan ng Brgy. Manaring, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ryan James Bemudez,28 anyos at residente ng Brgy. San Juan sa nasabing siyudad habang kinilala ang drayber ng truck na si Ermer Maramag, 50 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. San Vicente, City of Ilagan.

Ayon kay P/Lt. Col. Virgilio Abellera Jr., binabagtas ng biktima ang pambansang lansangan pasado 10:45 kagabi ng aksidenteng bumangga ang minamanehong Yamaha NMAX ng biktima sa elf truck na nagresulta upang tumilapon ito sa concrete pavement sa lugar at nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at agad na isinugod sa pagamutan subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.


Ayon pa sa hepe, galing sa isang kasiyahan ang biktima bago mangyari ang insidente at ito ay pawang nakainom ng nakalalasing na inumin at napag alaman pa na ang nasawing biktima ay anak ng dating kapitan ng Brgy. San Juan sa nasabing siyudad.

Sasampahan naman ng kaukulang kaso ang drayber ng elf truck matapos ang insidente.

Facebook Comments