Anak ng isang electrician at manikurista, top 2 sa Electrical Engineer Board Exam

Isa na ngang ganap na electrical engineer ang 21-anyos na si Gerald Mier, mula sa Bicol University-Legazpi, matapos pumasa sa board exam sa lumabas na resulta nito lamang Biyernes, ika-6 ng Setyembre.

Sa inilabas na ulat ng Professional Regulation Commission (PRC), pumalo sa 92.05 ang rating ni Mier na naging dahilan ng pagiging top 2 niya sa 2019 Registered Electrical Engineer (REE) Licensure Examination.

Ayon kay Gerald,”Ang alam ko lang makakapasa ako pero ‘yung mag-top, hindi ko ini-expect kasi talagang mahirap ang exam.”


Ibinahagi ng binata na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan bago makamit ang tagumpay.

Kwento niya, nahirapan ang kanyang mga magulang sa pagpapaaral sa kanya dahil sa kahirapan.

Isang electrician ang ama ni Gerald at manikurista naman ang kanyang ina na hindi umano tumigil para mapagtapos ito.

Nagtapos bilang Cum Laude si Gerald sa Bicol University at agad na nagdesisyon na magreview center para paghandaan ang naturang exam.

Ayon sa facebook post na ibinahagi ng nakatatandang kapatid na babae ni Gerald, halos linggo-linggo raw nagtetext ang binata na barya na lang ang pera nito sa wallet at malaking bagay na nakakatulong ang acapera, sweldo ng mga ate nito at ang smart padala umano ng mga magulang nito.

Ipinagmalaki pa ni Gerald na ang ama raw niya ang naging inspirasyon para maging enigineer dahil bata pa lamang raw siya ay sinasama na sya nito sa kanyang trabaho.

Naging emosyonal naman ang mga magulang ni Gerald sa nakamit ng anak.

Facebook Comments