Top Most Wanted sa Abra, Nadakip sa Isabela, Lalaking Nanggahasa, Huli rin!

134

*Cauayan City, Isabela- *Bagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang sekyu na Top 1 most wanted person sa bayan ng Bangued, Abra matapos madakip sa brgy. Sta. Filomena, San Mariano, Isabela.

Ang akusado na si Avelino Libuen Jr, 40 anyos, may-asawa, at residente ng Brgy. Old San Mariano, San Mariano, Isabela ay hinuli ng mga kasapi PNP San Mariano at CIDG Baguio City sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Corpus P Alzate ng RTC Branch 2 Bangued, Abra dahil sa kasong Murder o pagpatay.


Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, arestado rin ang isang lalaki na wanted sa kasong panggagahasa na kinilalang si Mark Lenon Espiritu, 22 anyos, may-asawa at residente ng Brgy.Macayu-cayu, San Mariano, Isabela.

Ito ay sa bisa rin ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Rodolfo B Dizon ng RTC Branch 18, Ilagan City, Isabela at wala rin kaukulang piyansa para sa kalayaan ni Espiritu.

Kapwa dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang akusado para sa dokumentasyon at ipinasakamay sa kanilang court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers