Anak ng mga Dating Rebelde na nasa Farm Ville ng 5ID, Sinasanay sa Pagbabasa at Pagsusulat

Cauayan City, Isabela- Malaki ang pasasalamat ngayon ng mga dating rebelde na magulang ng mga Agta learners dahil natuturuan pa rin sa pagbabasa at pagsusulat ang kanilang mga anak sa kabila ng nararanasang pandemya.

Ito ay sa pamamagitan ng Project Yacap o Community Tutors Assistance na inilunsad noong Oktubre 20, 2021 kung saan labing apat (14) na mga Agta learners na naninirahan sa Happy Farm Ville ng 5ID, Philippine Army ang matiyagang tinuturuan ng dalawang guro mula sa Community Tutors sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Dahil na rin ito sa walang sapat na kaalaman at kakayahan ang mga magulang ng mga batang mag-aaral na sila’y turuan sa pagbabasa, pagsusulat at pagbibilang.


Isinasagawa ang pagtuturo sa mga agtang mag-aaral dalawang beses sa loob ng isang Linggo sa pamamagitan ng mga printed modules.

Sa ibinahaging impormasyon ng 5th Infantry Division, mula sa 14 na agta learners, ilan sa mga ito ay nasa Kindergarten hanggang Grade 4.

Ang Project Yakap ay magtatagal hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon at kung sakaling magiging epektibo at magandan ang resulta nito ay posibleng itutuloy pa sa susunod na taon.

Facebook Comments