Anak ng mga OFWs na namatay sa pagbagsak ng tulay sa Taiwan, pagkakalooban ng scholarship

1606

Tiniyak ni Labor Sec Silvestre Bello III na pagkakalooban nila ng benepisyo ang mga naulilang anak ng dalawang Pilipinong nasawi sa pagbagsak ng tulay sa Taiwan.

 

Kabilang na aniya rito ang scholarship sa mga anak nina Andree Abregana Serencio at Gorge Jagmis Impang.


 

Patuloy din na tinututukan ng welfare officers sa Taiwan ang paghahap sa nawawalang Pinoy na si Romulo Ilustrisimo Escalicas Jr.

 

Una nang tiniyak ng DOLE ang agarang repatriation sa labi nina Serencio at Impang.

 

Bukod sa dalawang namatay na OFWs, limang Pinoy din ang nasugatan sa insidente.

Facebook Comments