VIRAL: Sosyal na accent ng isang tindero ng tubig, patok online

16616
Captured screenshot from Rey Bragzz video on Facebook

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang isang tindero ng tubig sa Iligan City dahil sa kakaibang pamamaraan ng kaniyang pagtitinda.

Sa kuhang bidyo ni Rey Bragat, mapapansin hawak ng lalaki ang binebentang bottled water habang sumisigaw ng “tubig” at “water”.

Pero ang paraan ng pagbigkas ng tindero, sosyal at may accent.

“Ka sosyal bas mga vendor dire…”, post ng netizen sa kaniyang Facebook account.

Kuwento ng uploader, nakita niya ang lalaki sa kasagsagan ng Diyandi Festival sa nasabing lalawigan.

Pag-amin ni Rey, natuwa siya sa diskarte nito para makahimok ng mamimili.

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 1.3 million views ang bidyo ni Bragat.




Facebook Comments