Anak ng pulis at dalawang kasamahan-arestado sa drug bust operation

General Santos,Philippines – Kalaboso ang isang anak ng pulis at dalawa pang kasamahan sa inilusadna drug bust opetation ng Polomolok PNP alas 10:00 ng gabi sa BarangayPoblacion, Polomolok.

Kinilala ang mga suspekna sina Ezra  Roel Publico, 44, Richard Verde Flor,  30, anak ngisang pulis,  at  Jeomar Morales, 36, parehong residente ng Polomolok,South Cotabato.

Inilusad ang operasyon dahil narin sa natanggap na report ng Polomolok PNP na involved sa illegal drugs ang anak ng pulis at dalawa pang kasamahan nito.


Matagumpay naman nanabilhan ng isang kasapi ng Polomolok PNP na nagsilbing poseur buyer ng (1)sachet ng pinaghihinalaang shabu ang tatlong suspek.

Maliban sa nabiling shabu nakakuha pa ng iilang pakete ng pinaniniwalaang shabu ang otoridad sa posisyon ng tatlong mga suspek habang kinumpiska din ng pulisya ang dalawang motorsiklo na ginagamit nila sa kanilang illegal activity.

Facebook Comments