Isang habal habal driver, sugatan sa pamamaril

General Santos, Philippines- Sugatan ang isang habal-habal driver matapos itong binaril ng miyembro ngchildren in conflict the law (cicl) o mas kilala sa tawag na  “batangsukarap” na nagcheck point sa highway ng balunto, barangay labangal nitonglunsod.
 
Kinilala ang biktima nasi John Rey Condesa, 26, habal-habal driver at residente ng Lanton Apopong.
 
Sinabi ng biktima naalas 2:00 ng madaling araw ng sya ay naghatid ng kanyang pasahero sa BarangayFatima Gensan. Pagdating nito sa higway ng balunto labangal, nakita nito na mayroong nag check point sa nasabing lugar kaya nito binagalan ang kanyang takbo.
 
Pero nang bigla itongbinaril ng isang suspek kung saan ay tinamaan ito a kanyang braso, doon na nitonalaman na hindi pala mga pulis ang nag check point bagkus myembro ng mgabatang sukarap.
 
Dahil dito agad napinatakbo ng biktima ang kanyang motorsiklo palayo sa nasabing lugar. Agadnaman itong dumulog ng Makar PNP bago pa ito dumiritso ng hospital. Sa ngayon, patuloy angginagawang imbistigasyon nga nasabing insidente.

Facebook Comments