Anak ni Abu Torayfe patay sa operasyon sa Datu Salibo

127

Labing pito katao kabilang ang anak ni Esmael Abdulmalik o mas kilala bilang Abu Torayfe ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers ang napatay sa nagpapatuloy na operasyon sa SPMS Box sa Maguindanao.

Sa impormasyong nakarating sa RMN Cotabato, nakilala ang napaslang na si Hamdi Abdulamalik na nagtamo ng multiple gunshot wound sa katawan.


Kabilang si Hamdi mula sa halos isang dosenang mga taga sunod ni Abu Torayfe na napaslang noong weekend sa bahagi ng Sitio. Butalo , Brgy .Tee, Datu Salibo.

Samantala, muling nadagdagan naman ang bilang ng mga elemento ng MILF na namatay sa kagustuhang matigil ang paghahasik ng kaguluhan ng ISIS Inspired na si Abu Torayfe.

Kinilala ang limang combatants na napaslang na sina Mahmod Laguiab, Darix Kendag, Kuzak Ali, Anwar Maulana at Kalidin Ulama na nagmumula sa Task Force Ittihad.

Samantala apat pa sa mga ito ang naging sugatan na patuloy na ginagamot sa ospital.




Umabot na ngayon sa 10 MILF Combatants ang napaslang maliban pa sa 12 na nasugatan sa halos tatlong linggong operasyon kontra sa pwersa ni Abu Torayfe.

Patuloy namang nakaalerto sa mga sulok ng mga bayan ng Shariff Saidona Mustapha, Datu Saudi Ampatuan at Datu Salibo .

Maliban sa higit isang libong MILF figthers , nasa defensive position na rin ang mga pwersa ng military at mga kapulisan sa mga nabanggit na lugar. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments