Sa halip na counter affidavit, motion to dismiss din ang inihain sa Department of Justice (DOJ) ng mga anak ni suspended Congressman Arnolfo Teves Jr., na sina Kurt Matthew at Axel.
Kaugnay ito sa mga reklamong illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of explosives.
Ayon kay Atty. Manuel Andres Jr., legal counsel nina Kurt Matthew at Axel, ipinapabasura nila ang mga reklamo dahil sa kawalan ng sapat na batayan.
Pinagbasehan din aniya nila ang mismong reklamo na isinampa ng PNP-CIDG.
Bukod din aniya sa legalidad ng paghalughog sa bahay ng mga Teves, kinuwestiyon din ng mga respondent ang “legality of accusation” laban sa mga ito.
No show naman sa pagdinig sa DOJ sina Kurt Matthew at Axel.
Tumanggi rin ang abogado na magbigay ng detalye kung nasaan ang dalawang anak ni Teves.